ANG PAGPAPAUNLAD NG BANSANG JAPAN AT PILIPINAS GAMIT ANG KANI-KANILANG WIKA.

Jem Kyla Apalis
5 min readOct 22, 2020

Ang wika ng isang bansa ay isang instrumento tungo sa kaunlaran. Ito rin ay tumutulong upang magkaroon ng nasyonalismo at literasi. Ngunit, sa papaanong paraan?

Ating tuklasin ang kakayahan ng wika sa pagdebelop ng nasyonalismo at literasi ng bansang Pilipinas at Japan.

DUMAKO MUNA TAYO SA BANSANG JAPAN.

Ang bansang Japan ay mayroong iisang wika na ginagamit kaya naman sila ay tinaguriang isang monolingwal na bansa. Ang wikang Japanese ay isa sa pinaka tanyag na wika sa buong mundo at kilala rin ang mga hapon sa kanilang paraan ng pag sasalita bilang magalang at masigla. At dahil nga iisang wika lamang ang ginagamit ng Japan, ang mga mamamayan dito ay mas nagkakaintindihan o mas nakapagbubuklod buklod.

Sa patakaran o polisiya sa wika ng bansang Japan, sila ay nagpatupad ng isang karaniwang wika na kung saan ang wikang ito rin ang kanilang gagamitin sa pang araw-araw at sa pagtuturo. At saka, ang bansang Japan ay may polisiya na ipinatutupad ng mga sentral at munisipal na pamahalaan nito. Ito ay ang pangangailangan ng mga dayuhang residente dito na mag-aral o matuto ng kanilang wikang pambansa o ng Nihongo. Ito ay labis na ipinatupad nang buksan ng bansang Japan ang kanilang pintuan para sa mga manggagawang nagnanais na magtrabaho rito.

Ang bansang Japan ay isang monolingwal na bansa. Kaya naman, ang pangunahing kagamitan nila na pang turo ay ang kanilang wikang pambansa. Mayroon din naman silang itinuturo na banyagang wika tulad na lamang ng Ingles ngunit mas ginagamit ang Nihongo sa pagtuturo sa halos lahat ng kanilang mga asignatura.

Ang mga hapon ay tunay na pinahahalagahan ang kanilang pag-aaral. Kaya naman, lumalabas sa mga pananaliksik ay kakaunti lamang ang bumubuo ang pamilya dahil kanilang binibigyang prayoridad ang kanilang kaalaman. Karagdagan, Ayon sa asianinfo.org, napauunlad ng bansang Japan ang kanilang literasi sa pamamagitan ng paghingi sa kanilang mga mamamayan na makapag-aral ng elementarya.

Ayon sa aking nabasa na artikulo ni Fujita-Round at Maher (2017), ginagamit ng mga hapon ang kanilang pagiging monolingual at monocultutral para sa pagpapaunlad ng kanilang literasi at nasyonalismo(Fujita-Round & Maher, 2017). At dahil sa kanilang pagiging monolingwal ito ang mas nakapagbubuklod sa kanilang mga mamamayan at dahil din dito ay mas nagkakaroon pa sila ng pagkakakilanlan sa kanilang nasyonalismo.

DUMAKO NAMAN TAYO SA BANSANG PILIPINAS

Ang bansang Pilipinas ay mayroong din naman mga polisiya ukol sa kanilang wikang pambansa ngunit, sa aking napansin, ito ay mariing ipinapatupad lamang sa isang eksaktong buwan sa isang taon. Ito ay ang buwan ng Agosto o ang buwan ng wika.

Ayon sa isang pahayag na inilabas ng The Concerned Artists of the Philippines galing sa kilalang mga tao sa larangan ng sining at literatura,

“Ang wika ay hindi lang salita. Kamalayan din iyon at sensibilidad. Na sa panitikan at kasaysayan ang dangal ng bawat bayan. Sambayanang walang alam sa sarili? Iyon ang gusto ng manlulupig,” ani Jun Cruz Reyes.

Ang literasi ng bansang Pilipinas, ayon sa nabasa kong artikulo, ay mayroong maunlad sa literasi. Ayon sa direktor ng National Educators Academy of the Philippines na si John Arnold Siena, ang tantiyahin sa literasi ay mayroong 95.24% at sinasabing ito ay dahil sa partisipasyon ng mga bata sa eskwelahan na nakamtan dahil sa tulong ng gobyerno, particular na ang Department of Education, sa pag-aaral ng mga bata sa eskwelahan.

Gayon pa man, kung higit na papansinin ay mistulang kulang sa literasi ang mamamayang Pilipino. Bakit? Ito ay dahil sa pagiging hindi bihasa ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika, kaya naman, nagpasya ang Presidential Communications Development and Strategic Planning Office upang maglunsad ng isang page sa facebook upang tumulong sa mga Pilipino na magkaroon ng maayos na pag gamit ng pambansang wika. Ito ay pinamagatang WIKApedia, ito ay naglalayong magbigay ng karagdagan na kaalaman sa mga Pilipino. Ayon sa kanila, ito ay inilagay sa facebook upang mas magkaroon ng access ang mga Pilipino dito. Ang page na ito ay maaring makatulong sa mga Pilipino lalong lalo na sa mga estudyanteng gumagawa ng kanilang papel pang eskwelahan, maaari lamang imessage ang page na ito, at malugod ka nilang tutulungan.

Samantala,ang nasyonalismo naman sa ating bansa ay masasabi kong maalab at umaapaw, sapgkat, kilala ang mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng mundo bilang mga taong ipinagmamalaki ang kanilang bansa at ang mga tagumpay ng kapwa Pilipino.

Sa aking mga nabasang mga artikulo ukol sa paksang pag-unlad ng nasyonalismo at literasi sa bansang Pilipinas at Japan, ay aking napagtanto ang mga sumusunod:

Ang wikang Nihongo ng Japan ay monolingual, kumpara sa Pilipinas na multilingual. Gawa sa karamihan ng diyalekto na ginagamit ng mga Pilipino. Dahil nga iisang wika lamang ang ginagamit ng bansang Japan, ito ay mas nakapagbubuklod sa mga tao dito.

Sa kadahilanang ang Japan ay nanatiling isang monolingwal na bansa, ang kanilang wika na ginagamit sa pangturo ay ang kanilang pambansang wika. Kabaliktaran ito ng sa pilipinas, dahil, ang pangunahing ginagamit pangturo dito ay ang wikang Ingles. Malinaw naman na ang kagustuhan lamang ng bansang pilipinas na magkaroon nang sapat na kaalaman ang kanilang mamamayan at nang sila ay maging globally competitive. Ngunit, dahil sa pamamaraan na ito ay unti unti nang nalilito ang mga Pilipino sa kanilang sariling wika. Hindi na nila alam kung paano gagamitin ang simpleng “maari” at “maaari” .

Kung ang wikang Japanese ay binansagan bilang wikang masigla at magalang, para sa akin naman, ang wikang Filipino ay isang buhay na wika. Nasabi ko ito bilang isang buhay na wika dahil sa patuloy na pag lago nito. Taon taon o buwan buwan ay nadaragdagan ang mga salita sa wikang Filipino. Isa na rin sa kadahilanan kung bakit ko ito nasabing buhay na wika ay dahil, sa mga nagagawa pang mga bagong salita, ito ay nagbubunga dahil ito ay may kaakibat na karanasan, kultura at pamumuhay ng mamamayan.

Sa nakita kong pagkakaiba ng bansang Pilipinas at Japan sa kanilang mga daan sa pag-unlad ng kani-kanilang literasi at nasyonalismo ay masasabi kong mahusay ang ginawa ng bansang Japan at sa Pilipinas naman ay mayroon pang lugar para sa paglago. Kahit na sinasabing napag-iiwanan na ang bansang Pilipinas sa aspeto ng wika at nasyonalismo ay natitiyak kong makakabangon tayo dahil likas na sa mga Pilipino ang palaban.

— — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — —

Sanggunian

Fujita-Round, S., & Maher, J. C. (2017). Language Policy and Education in Japan. Language Policy and Political Issues in Education, 1–15. https://doi.org/10.1007/978-3-319-02320-5_36-2

Literacy in the Philippines: The Stories Behind the Numbers. (2015).Literacyworldwide.org https://literacyworldwide.org/blog%2Fliteracy-now%2F2015%2F08%2F06%2Fliteracy-in-the-philippines-the-stories-behind-the-numbers

WIKApedia, layong ipaalala ang tamang paggamit ng wikang Filipino. (2015).GMA News Online https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/386703/wikapedia-layong-ipaalala-ang-tamang-paggamit-ng-wikang-filipino/story/

--

--

Jem Kyla Apalis
Jem Kyla Apalis

Written by Jem Kyla Apalis

0 Followers

Isang mag aaral ng Far Eastern University na may kursong Bachelor of Science in Medical Technology

No responses yet